I’m not sure what this is..
Noong una kasi akala ko talgang wala lang. I never thought this would grow. Still, i am not sure what this is. Have I fallen? Am I just confused? Or was I just agreeing on what people around me says?
This could be something. Di ka naman gwapo. Ang layo mo sa mga naging crush ko. Hindi ka nakasalamin. Singkit ka, oo. Pero di pa din eh! Ang tangkad mo. Ang payat mo. Bakit ba ko nagka crush sayo? Mahilig ka sa kotse, ako din. Matalino ka, ako hindi masyado. ;) mahilig ka sa blue, di ako umaamin pero ako din. Masyado kang mabait para sakin. Hindi pa kita kilala.. onti pa lang nalalaman ko sayo. Bakit nga ba ha?
Bakit mo ko pinoprotektahan? bakit mo ko nilalayo sa kapahamakan? Bakit mo ko kailangang ingatan? Wala namang nagsabi nun sayo ah! Ilang beses mo na kong hinatak mula sa kotseng makakasagasa sakin. Ilang beses mo na kong inilalayo sa poste na muntikan ko ng mabangga. Kailangan mo pa bang mauna sa hagadan para lang saluhin ako kung mahulog ako? Bakit mo sasabihin na susuntukin mo siya kapag binatukan niya ako? Bakit favorite song mo ang favorite song ko? Bakit mahilig ka na din sa cake? Bakit ka sumasabay sa mga trip ko? Ano na bang meron ha? Ako lang ba, pati na din ikaw?
Ang sabi mo mahal mo na siya. Ang sabi mo ibang level ung kanya. Eh anong ginagawa mo? Anong di pa halata? Anong meron!? Bakit mo sasabihin na special friend mo ako kung mahal mo siya? Katulad ka lang ata ng iba..di kontento sa isa :(
Bakit nga ba ako nageexpect? Simula pa lang alam ko ng wala. Wala naman kasi talga dapat to! Unti unti lang kasing lumalalim eh. Bakit kung kelan mo lang nalaman saka pa nagkaroon ng kwento? Nagaantay ka lang din ba? Or ginagawan ko lang ng meaning tong mga ginagawa mo?
Please. Linawin mo naman. Di na kasi ako naniniwala na mahal mo pa din siya eh! :( Masyado na kong naniniwala na.. hindi na. Na ako na. :’( Assuming ba?
Tama na please! Baka kasi di tayo mag-mix. </3 Baka kasi kapag lalo mo pa akong makilala, mawala lahat to. Hay! Natatakot ako na baka mas-lalaki pa ko kesa sayo.. Na baka mas babae ka pa kesa sakin. Sorry. Sana maintindihan mo ko.. Sanay kasi ako na mag-isa. Sanay ako na ako lang, na kakaayanin ko kahit anong sakit pa yan. Pero masaya ako dahil nandyan ka! :)
“Maybe it’s true that I can’t live without you cause maybe two is better than one.”








